SNHS, Di Nagpahuli sa
STEP Competition
Ivy F. Ampongan
Nakipagsaba-yan ang SNHS sa ginanap na T.L.E. STEP Competition noong Setyembre 17-18, 2009 sa Zeferino Arroyo High School, Lungsod ng Iriga.
Ang mga para-ngal na nakamit ay ang sumusunod: ikalawang pwesto, Cake Decorating; ikatlong pwesto, Quiz Bee, Dish Gardening, Table Skirting, Cocktail Mixing; ikaapat na pwesto, Electronic Poster Making at Electronic Book Keeping.
Dinaluhan ang patimpalak ng labindalawang paaralan na nagmula sa pampubliko at pampribadong paaralan sa hayskul sa lungsod ng Iriga. Lumahok din ang mga mag-aaral sa elementarya sa kontes na ito.
Nagkaroon din ng eleksyon para sa new sets of Division T.L.E. STEP Officers kung saan, pasok ang dalawang mag-aaral ng SNHS na sina Eljazer C. Barroga bilang kalihim at Joland F. Oliva, bilang tagapagbalita.
Ang mga naging tagapagsanay ng nasabing patimpalak ay sina: Bb. Maria Marly S. Magistrado, Gng. Nerisa N. Calibara, Gng. Elenita B. Cuya, Gng. Marecil T. Diaz at G. Michael A. Villareal, mga guro sa T.L.E.