Pangulo ng PTA, Napiling Bise Presidente ng FBD
Ivy F. Ampongan
Ang (FBD) Federation Board of Directors ay nagsagawa ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng PTA FBD noong Setyembre 24, 2009 sa Teachers Hall Lungsod ng Iriga.
Ang nasabing eleksyon ay dinaluhan ni G. Manuel C. Magistrado, PTA President ng SNHS na kung saan nakuha nya ang posisyon bilang Bise Presidente. Noong una ay nominado si G. Magistrado bilang Presidente at katunggali na si Gng. Beverly Dela Cruz, Presidente ng La Association ES nang magsimula na ang botohan nagkaroon ng patas na bilang ng boto ang dalawang magkatunggali kung kaya’t napagdesisyunan ng FBD na idaan na lamang sa toss coin ang prosesong pagpili ng president. Dahil dito nakuha na lamang ni G. Magistrado ang posisyon bilang Bise Presidente at si Gng. Beverly Dela Cruz naman ang naging president ng Div. PTA FBD.
Kasabay ng ginanap na eleksyon ay ang indaksyon sa mga napiling opisyal na ginanap sa Lemars Hotel, Lungsod ng Iriga noong Setyembre 26, 2009 na nagsimula sa ganap na ika-7:00 ng gabi.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ni G. Magistrado bagong (VP Board Member) kasama si G. Luis A. Emila PTA Treasurer ng SNHS. Ang indaksyon ay pinamunuan ni Hon. Madelaine Alfelor-Gazmen, Alkalde ng lungsod ng Iriga.