Department of Education, Region V (Bicol), Division of City Schools, City of Iriga North District  

 



SNHS School Paper
 


SNHS Forest Park, Inilunsad
Matagumpay na inilunsad ng SNHS ang “School Forest Park” noong ...

SNHS Iskawts, Namayagpag
Nakamit ng mga iskawt ng SNHS ang labing isang unang pwesto at...

3rd Youth Day for Environment
Naisakatuparan

Lumahok si Angelica B. Cuya (IV-Rizal) kinatawan ng SNHS, sa 3rd Youth...

Ampongan, Wagi
Nakamit ni Ivy F. Ampongan (IV-Rizal) ang unang gantimpala sa...

Renobasyon ng SNHS Canteen, Sinimulan
Sinimulan nang ayusin ang dating School Canteen ng SNHS...

Amparado, Nakiisa sa 42nd National
SPB Conference

Nakiisa si Joniebel A. Amparado, mag-aaral sa ikaapat na taon (Rizal)...

SNHS, Di Nagpahuli sa
STEP Competition

Nakipagsaba-yan ang SNHS sa ginanap na T.L.E. STEP Competition...

Pangulo ng PTA, Napiling Bise Presidente ng FBD
Ang (FBD) Federation Board of Directors ay nagsagawa ng eleksyon...

 

SNHS, School Paper Online


 

SNHS Iskawts, Namayagpag
Jean B. Tino

Nakamit ng mga iskawt ng SNHS ang labing isang unang pwesto at isang ikatlo, sa ginanap na 18th Iriga City Council Jamborette na ginanap sa Iriga Sports Complex noong Setyembre 23-27, 2009.

Ang mga parangal na kanilang natanggap ay ang sumusunod: Best in Tent layout, Best in Skit Presentation, Best in Yell, Semapore Signaling, Extreme Challenge (obstacle), Surviving Social Accountability at new version of Nobody (Girls at Boys).

Nakamit naman ni Senior Scout Romeo N. Toralde (IV-Rizal) ang 1st Runner Up at Best in Scout Uniform sa Search for Senior Scouts of the Year.

Samantalang nakuha naman ni Avegail M. Toralde (II-Eagle) ang unang pwesto sa kakaibang talento o patimpalak sa “Kahit Sino Pwede”.

Labing Siyam na Boy Scouts at Dalawamput-apat na Sea Scout ng SNHS ang lumahok sa nasabing kamping sa pangunguna ni Mark Angelo C. Lebilo (IV-Rizal) bilang Senior Patrol Leader ..
Kabilang sa kursong pinagsanayan ng mga Boy Scout at Sea Scout ay ang “SURVIVOR” at “ COOKING CONTEST” na ginanap sa Inorogan Chapel, Sto. Domingo, Lungsod ng Iriga
Hindi alintana ng mga Iskawt ang ulan at maputik na kampo para makamit ang mga nasabing parangal.

Ang delegasyon ng Sagrada National High School ay pinamunuan nina G. Joseph M. Belleza , G. Melvin G. Magistrado, Gng. Rosalie Z. Mora at Gng. Nikki Mareen M. Molina.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

   
 
Page last update:
Thursday, November 05, 2009 [12:56:46 pm]
 
 
Best Viewed Using Microsoft Internet Explorer 6.0 or above with 1024 x 768 resolution
Website is Managed and Updated by
Mr. Michael A. Villareal
and the SNHS-ICT Web Development Team



Sagrada National High School
City of Iriga
http://www.snhs.edu.ph

for suggestions and concerns please email webmaster@snhs.edu.ph

 






Click here for other options.


Powered by:
A Proud Member of SmartSchools Program
 
Copyright © SNHS · Iriga City All Rights Reserved · S/Y 2009-2010