Ampongan, Wagi! Meralyn P. Sadion
Nakamit ni Ivy F. Ampongan (IV-Rizal) ang unang gantimpala sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino (Pansekundarya) sa ginanap na patimpalak ng Order of the Knights of Rizal na may temang, “Rizalism: Towards a Noble and Sacred Nation” noong Agosto 22, 2009 sa Lemars Hotel, San Roque, Lungsod ng Iriga.
Kabilang sa mga gantimpalang natanggap nya ay ang sertipiko, tropeo at halagang isanglibo’t limangdaang piso.
Samantala, natamo naman ng UNEP at Perpetual Help High School ang ikalawa at ikatlong pwesto sa parehong kategorya.
Ilan pa sa mga lumahok na paaralan ay ang USANT, Zeferino Arroyo High School (ZAHS) at San Pedro National High School (SPNHS).
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan din ng elementarya (Quiz Bee) at Oratorical Contest naman para sa kolehiyo.
Pinangunahan ni G. Joseph M. Belleza ang pagsasanay sa kontes na ito.