|
SNHS, School Paper Online |
Amparado, Nakiisa sa 42nd National
SPB Conference
Nakiisa si Joniebel A. Amparado, mag-aaral sa ikaapat na taon (Rizal) sa 42nd Regional Senior Planning Board sa Hotel Danoit, Lungsod ng Lucena na may temang “Girls Worldwide say: Together we can change our world.”
Isa siya sa 25 girl scouts na naging kinatawan ng Iriga City Council mula sa pampubliko at pam pribadong paaralan na pinamunuan ni Gng. Lorna Bautista, guro sa Perpetual Help High School. Isa sa naging tagapagsalita si Rebecca T. Basañes, Regional Executive Director ng Girl Scouts.
Kabilang sa mga gawaing kanilang naisakatuparan ay ang pagbibigay interpretasyon sa tema ng bawat council, “taps” na kung saan isinagawa ito bago sila matulog, nagkaroon din ng Regional SPB Election, araw-araw na sesyon at marami pang makabuluhang gawain.
Layunin ng nasabing seminar na maging mapagmasid ang bawat girl scout sa kalagayan ngayon ng mundo. Binigyang diin nila ang pagkakaisa tungo sa pagbabago. Isa rin sa layunin nito ay mahubog ang kakayahan ng bawat girl scout lalo na sa larangan ng pamumuno.
|
|
| |
|
|
|
| |
|
Page last update: Thursday, November 05, 2009 [12:56:00 pm] |
|
|
| |
|
|
|
|
Best Viewed Using
Microsoft Internet Explorer 6.0 or above
with 1024 x 768 resolution
|
Website is Managed and Updated by
Mr. Michael A. Villareal
and the SNHS-ICT
Web Development Team
Sagrada National High School
City of Iriga
http://www.snhs.edu.ph
for suggestions and concerns please email webmaster@snhs.edu.ph
|
|
|
|
|
| Powered by: |
 |
|
|
| |
|