SNHS Forest Park, Inilunsad
Matagumpay na inilunsad ng SNHS ang “School Forest Park” noong Agosto 20, 2009, na entri sa “National Search for Best School Forest Park”.
Ito’y bilang pagtugon ng paaralan sa programa ng Dep-Ed at ng Luntiang Pilipinas tungkol sa pagpreserba at pagpapanatili sa magandang kapaligiran.
Kasabay ng taunang Brigada Eskwela ay ang paglulunsad din sa proyektong ito.
Katulong ang mga guro,sa pamumuno ni Bb. Ma. Marly S. Magistrado, mga magulang at mga mag-aaral,sinimulan ang paglilinis at pagtatanim ng mga halamang numumulaklak at mga punongkahoy.
Nakiisa naman si Gob. L-Ray Villafuerte sa programang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kagamitan tulad ng cyclone wire upang maging matibay ang bakod dito.
Ayon kay Bb. Magistrado, “Marami pa kaming plano para sa Forest Park. “We want to continue what was started before”, dagdag pa niya.
Kasalukuyang nasa pangangasiwa ito ni Bb. Maria Marly S. Magistrado, guidance counselor; G. Manuel Magistrado,Pangulo ng PTA; at ng Punong Guro, Dr. Ludevina Ester D. Bolante.
Dagdag pa ni Bb. Magistrado, “Inaasahang mapananatili ang kagandahan ng Forest Park at maipagpapatuloy pa ang magandang nasimulan kung ang lahat ay magtutulungan.