3rd Youth Day for Environment
Naisakatuparan
Lumahok si Angelica B. Cuya (IV-Rizal) kinatawan ng SNHS, sa 3rd Day Youth for Environment Camp sa Marcial O. Rañola Memorial School, Guinobatan, Albay noong Setyembre 28-30, 2009.
Anim na partisi-pante ang nagmula sa lungsod ng Iriga na nagmumula sa iba’t ibang pampublikong paaralan (SNHS, PHHS, SMHS at ZAHS) at kasama ang dalawang guro.
Kabilang sa mga naging tagapagsalita sa ginanap na seminar ay sina Dr. Celedonio C. Layon, Jr., Regional Director ng DepEd at Mr. July Tingzon (Councilor).
Nagkaroon din ng mga aktibidades tulad ng Tagisan ng Talino, Enviromental Crafting, Jingle Making, Tree Planting at Logo Making.
Maliban sa nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng mga sesyon na kung saan itinuro ang iba’t ibang paksa tulad ng Native Endemic Forest in Species in the Philippines, ang mabilis na pag-iinit ng mundo sustainable use of biodiversity at marami pang iba.
Nilalayon nito na mapangalagaan at maging mapagmasid sa ating kapaligiran.